Ang Antas ng Kabisaan ng Paggamit ng Modyul ng Panitikang Pilipino sa Pagtuturo ng Filipino sa mga Piling Mag-aaral at mga Guro sa Baitang 8 sa Mataas na Paaralang Pedro E. Diaz Panuruang Taong 2015 – 2016
Nina: Abliter, Chanta A.;Guisalta, Brenda V.; Macalalad, Jeanette V.;Raymunde, Nheil Patrick P.; Selencio, Michelle A.;Serrano, Rizadel N.
Abstrak Maraming pag-aaral ang ginawa tungkol sa pagpapaunlad ng edukasyon. Dagdag pa rito, marami na rin ang gumawa ng pananaliksik tungkol sa mga modyul ngunit wala pang mga pananaliksik tungkol sa kabisahan ng mga modyul sa asignaturang Filipino.Dapat bigyang halaga ang pag-aaral ng Asignaturang Filipino.Ayon kina Fernandez.et. al. (2010), isa sa mga asignatura na kasalukuyang kabilang sa bawat na programa ng pag-aaral na inilatag ng DEPEd ay ang Filipino. Ang Filipino ay isang Asignatura na tumatalakay sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa ating Wikang Pambansa. Dapat lamang na pagtuunan ng pansin ang asignaturang ito dahilan din na dito nakasalalay kung tunay nga bang isa ka o ako na Pilipino.Sa kasalukuyan, ang asignaturang ito ay isa na may mababa na grado lalo na sa resulta ng NAT Examination. Dahil dito, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng isang pag-aaral tungkol sa Kabisaan ng Paggamit ng Modyul ng Panitikang Pilipino sa Pagtuturo ng Filipino sa Piling Mag-aaral sa Baitang 8 sa Mataas Paaralan ng Pedro E. Diaz Panuruang Taong 2015 – 2016.Ang Likert Scale ay ginamit para sa pag-aaral na ito upang makita ang pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon ng mga respondante ng pag-aaral na ito.Upang mabigyang kahulugan ang kabuuang mean ng sarbey, ang mga mananalik ay gumamit ng iskala at kwalipikasyon upang mabigyan kahulugan ang mga datos. Ang mga sumusunod ay ginamit. Mula sa mga nakuhang datos, ang mga sumusunod na konklusyon ay nagawa.Ang mga demograpikong pagkakakilanlan ng mga mag-aaral ay. Mas marami ang mga tagatugon na may edad na labing-tatlo hanggang labing-apat kaysa sa labing-lima hanggang labing-anim na taong gulang na mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Pedro E. Diaz.Mas marami ang mga tagatugon ng na babae sa ikawalong walong baitang kaysa sa lalaki ikawalong baitang ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Pedro E. Diaz.Ang mga demograpikong pagkakakilanlan ng mga guro ay: May tigdalawang tagatugon na may edad 30-35, 36-40, at 41-45. Samantalang isa lamang ang tagatugon na may edad 51-55 mula sa mga guro sa ikawalong baitang ng Mataas na Paaralan ng Pedro E. Diaz.Mas marami ang mga tagatugon ng na babaeng guro sa ikawalong walong baitang kaysa sa lalaking guro ikawalong baitang ng Mataas na Paaralan ng Pedro E. Diaz.Mabisa ang paggamit ng Panitikang Pilipino modyul sa pagkatuto ng Filipino ng mga mag-aaral na may edad na 13-14 at 15-16. Sumasang-ayon ang mga mag-aaral na mabisa ang paggamit ng Panitikang Pilipino modyul sa pagkatuto ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Pedro E. Diaz Panuruang Taon 2015-2016. Samantala, kung ang pagbabasehan ay ang kasarian, sumasang-ayon ang mga bata, lalaki at babae, na ang paggamit ng Panitikang Pilipino modyul ay mabisa at nakatutulong sa kanilang pagkatuto sa asignaturang Filipino.Mabisa ang paggamit ng Panitikang Pilipino modyul sa pagtuturo ng Filipino. Sumasang-ayon ang mga guro na mabisa ang paggamit ng modyul sa pagtuturo ng Filipino. May mga punto na kung saan di ito gaanong mabisa ngunit sa kabuuan ay mabisa ang paggamit ng modyul sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Mabisa ang paggamit ng modyul sa pagtuturo ng mga guro. Sa pamamagitan ng paggamit ng mabisang modyul, mas magiging madali para sa mga mag-aaral na maintindihan at maunawaan ang kanilang pinag-aralan. Bukod pa rito, ang modyul ang nagiging gabay para linangin ng mga guro ang kaisipan ng mga mag-aaral.
Mga Salik Na Nakakaapekto Sa Paghubog NgPag-Unawa Sa Pagbasa Ng Mga Piling Mag-Aaral Sa Ikapitong Baitang Ng Mataas Na Paaralang Pambansa Ng Muntinlupa Panuruang Taon 2015-2016
Nina:Donielyne P. Espeleta;Myla Joy Anne O. Accad; Mary Grace R. Fresnedi;Maribel Fernando; Charlene Joy P. Deputo;Marie Joy J. Abunda
Abstrak Ang pagbasa ay unang hakbang sa karunungan. Ito ay isang kasanayan sa pagkatuto ng isang indibidwal. Masasabi rin natin na ang pagbasa ay gintong susi na magbubukas ng pinto sa daigdig ng kaalaman. Ngunit sa panahon ngayon lalo na at moderno na ang mga bagay-bagay, hindi na lubos na napagtutuunan ng pansin ang pagbabasa. Nawawala na ang interes ng mga kabataan at ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng mga aklat lalo na ng mga akdang pampanitikan sapagkat ito nga ay nakababagot. Subalit alam naman natin na may mahalagang gampanin o tungkulin ang pagbasa sa buhay ng mga mag-aaral. Sa pagbabasa kinakailangan na magkaroon ng malawak na pag-intindi upang lubos na maunawaan ang tekstong binabasa. Ayon kay Brantmeler (2007) ang mambabasa ay nararapat lamang na magbasa ng may matindi o mataas na pag-unawa. Pinatunayan naman ni Benoyo (2006) na tumaas ang antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa tulong ng pangkatang talakayan. Kaugnay nito ang mga mananaliksik ay naganyak na magsagawa ng isang pananaliksik tungkol sa mga salik na nakakaapekto sa paghubog ng pag-unawa sa pagbasa sapagkat sa panahon ngayon hindi na napagtutuunan ng pansin ang pagbabasa. Ninais ng mga mananaliksik na isagawa ang pag-aaral na ito, sapagkat marami sa mga kabataan o mga mag-aaral lalo na sa panahon ngayon ang malimit na lamang magbasa.Marunong man silang bumasa, ngunit hindi naman lubos ang kanilang pag-unawa sa kanilang mga binabasa. Kung kaya, layunin ng pananaliksik na ito na malaman ang mga salik na nakakaapekto sa paghubog ng pag-unawa sa pagbasa. Dahil dito, umaasa ang mga mananaliksik na mapataas at mapayayabong ang kasanayan sa pagbasa tungo sa mabisang pag-unawa ng mga mag-aaral na makakatulong sa kanilang pag-aaral at higit sa pag-unlad ng kanilang sarili. Ang pag-aaral na isinagawa ng mananaliksik ay naglalayong tukuyin ang mga Salik na Nakakaapekto sa Paghubog ng Pag-unawa sa Pagbasa sa Ikapitong Baitang sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Muntinlupa Panuruang Taon 2015-2016.Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng kaugnayan na mga Salik na Nakakaapekto sa Paghubog ng Pag-unawa sa Pagbasa sa Ikapitong Baitang sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Muntinlupa.Saklaw ng pananaliksik na ito ang mga mag-aaral sa ikapitong baitang sa Mataas ng Paaralang Pambansa ng Muntinlupa Panuruang Taon 2015-2016. Ang pananaliksik na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptib na pananaliksik. Tinangkang ilarawan ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ang mga salik na nakakaapekto sa paghubog ng pag-unawa sa pagbasa sa mga piling mag-aaral sa ikapitong baitang sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Muntinlupa.Gumamit sila ngPercentageupang matuos at maipaliwanag mga datos na nakalap.Weighted Meanupang matukoy ang mga salik na nakakaapekto sa paghubog ng pag-unawa sa pagbasa.At Analysis of Variance (ANOVA) upang matukoy ang makabuluhang pagkakaiba sa mga normal naPopulation Means. Karamihan sa mga respondente ay lalaki at may edad na 12–13 taong gulang.Ang mga salik na nakakaapekto sa paghubog ng pag-unawa sa pagbasa ng mga piling mag-aaral sa ikapitong baitang sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Muntinlupa ay ang komunidad at paaralan, katayuang pampamilya, sanhi sa pisikal at kalusugan, sariling saloobin at sariling pagkatuto. Ang salik na lubos na nakakaapekto sa paghubog ng pag-unawa sa pagbasa ng mga piling mag-aaral sa ikapitong baitang sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Muntinlupa ay ang komunidad at paaralan.Ang salik na may pinakamababang porsyento na nakakaapekto sa paghubog sa pag-unawa sa pagbasa at edad ng mga piling mag-aaral sa ikapitong baitang sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Muntinlupa ay ang sariling pagkatuto.Walang makabuluang pagkakaiba ang mga salik sa paghubog ng pag-unawa sa pagbasa at ang edad ng mga piling mag-aaral sa ikapitong baitang sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Muntinlupa.
Pagsusuri Sa Mga Piling Maikling Kuwento Ni Liwayway A. Arceo Sa Teoryang Romantisismo
Nina: Jemmalyn C. Sayson;Marinelle P. Mollanida; Maybelle R. Delos Santos;Rodelyn D. Galano;Rhea A. Corral;Ma.Cristina L. Villanueva;Ranzhel Ann P. Viñalon
Abstrak Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga piling maikling kuwento ni Liwayway A. Arceo na nakapaloob sa antolohiyang “Mga Kuwento ng Pag-ibig” na sinuri batay sa Teoryang Romantisismo. Sa pag-aaral na ito ay ginamit ng mananaliksik ang pagsusuring deskriptib. Ginamit din sa pag-aaral na ito ang pamamaraang Dokumentaryong Pagsusuri na tinatawag ding Pagsusuri ng Nilalaman. Mayroong mga natagpuang iba’t ibang panliteraryang teknik na ginamit ang manunulat sa pagsulat ng mga piling maikling kuwento gaya ng: pagbabalik-tanaw; pagbabala o pagpapahiwatig; simbolismo; kapanabikan; paglalarawang-diwa; at ironiya. Ang mga ito ay lubhang nakatulong upang mapalutang ang mga katangian ng teoryang Romantisismo sa piling maikling kuwento.Ang Romantisismo ay nagkaroon ng bisa sa buhay ng mga tauhan sa mga piling maikling kuwento sa pamamagitan ng pagtukoy at pagpapatunay sa mga katangiang nangingibabaw na natuklasan sa ginawang pagsusuri.Sa pag-aaral na ito ay ginamit ng mananaliksik ang pagsusuring deskriptib. Ginamit din sa pag-aaral na ito ang pamamaraang Dokumentaryong Pagsusuri na tinatawag ding Pagsusuri ng Nilalaman.Ang ginamit na batayan sa pananaliksik na ito ay ang mga piling maikling kuwento ni Liwayway A. Arceo na kabilang sa antolohiya ng mga maikling kuwentong may pamagat na “Mga Kuwento ng Pag-ibig” (1997).Batay sa pagsusuri ng mga piling maikling kuwento sa teoryang Romantisismo, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon. Mayroong mga katangian ng teoryang Romantisismo ang natagpuan sa mga sinuring maikling kuwento. Gaya ng: pumapabor sa damdamin o emosyon; pagtakas sa katotohanan; pagpapahayag ng tunay na nararamdaman; pagmamahal sa pamilya, kapwa at Diyos; pagmamahal sa kalayaan at sa lupang sinilangan.
Kaugnayan Ng Paggamit Ng Pagkatutong Tulong-Tulong Sa Pagtuturo Ng Panitikang Pambansa Sa Akademikong Performans Ng Mga Piling Mag-Aaral Sa Baitang 8 Sa Mataas Na Paaralang Pambansa Ng Muntinlupa Panuruang Taon 2015-2016
Nina: Manalo, Christian Ulysses P.: Jovida, Joana Marie E.; Gumata, Isaiah John P.;Llanera, Kristine G.; Devebar, Dasyl Hanna M.
Abstrak Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang kaugnayan ng paggamit ng pagkatutong tulong-tulong sa akademikong performans ng mga pilling mag-aaral sa baitang 8 sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Muntinlupa panuruang taon 2015-2016. Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagtukoy sa kaugnayan ng paggamit ng pagkatutong tulong-tulong sa pagtuturo ng panitikang pambansa sa akademikong performans ng mga piling mag-aaral sa baitang 8 sa Mataas ng Paaralang Pambansa ng Muntinlupa. Ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral sa baitang 8 sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Muntinlupa ay isang libo’t pitong daan at limangpu’t walo (1758), kung saan may tatlumpu’t pito (37) na seksyon. Saklaw ng pananaliksik na ito ang tatlong daan at dalawampu’t anim (326) na mag-aaral sa baitang 8 na may isang daan at tatlumpu (130) lalaki at may isang daan at siyamnapu’t anim (196) babae sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Muntinlupa Panuruang Taon 2015-2016. Ayon sa nakuhang datos may progresibong pagbabago sa natamong marka ng mga magaaral sa asignaturang Filipino. Maaaring ang pagtaas ng marka ng mga mag-aaral ay nagpapakita ng pagdebelop ng antas ng kanilang pagkatuto at walang makabuluhang kaugnayan ang slight o negligible na relasyon ang paggamit ng pagkatutong tulong-tulong sa pagtuturo ng panitikang pambansa sa akademikong performans ng mga piling magaaral sa baitang 8 sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Muntinlupa panuruang taon 2015-2016.Ang pananaliksik na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptib na pananaliksik. Tinangkang ilarawan ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ang kaugnayan ng paggamit ng pagkatutong tulong-tulong sa pagtuturo ng panitikang pambansa sa mga piling mag-aaral sa baitang 8 sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Muntinlupa. Ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral sa baitang 8 sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Muntinlupa ay isang libo’t pitong daan at limangpu’t walo (1758), kung saan may tatlumpu’t pito (37) na seksyon. Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay binubuo ng tatlong daan at dalawampu’t anim (326) na mag-aaral. Kung saan mayroong isang daan at tatlumpu (130) na lalaki at isang daan at siyamnapu’t anim (196) na babae. Pinili ang mga respondente gamit random sampling. Ayon kay Lartec et.al. (2011) ang random sampling teknik ay ang pinaka popular na pagkuha ng sample dahil tinatawag din itong lottery o raffle na sampling. May pantay-pantay na pagkakataon ang bawat indibidwal na mapabilang sa sample. Ang pananaliksik na ito’y isinagawa sa pamamagitan ng pagsarbey. Ang mga mananalisik ay naghanda ng close-ended na talatanungan upang malaman ang kaugnayan ng paggamit ng pagkatutong tulong-tulong sa pagtuturo ng panitikang pambansa sa mga piling mag-aaral sa baitang 8 sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Muntinlupa.Batay sa mga makabuluhang natuklasan, ang mga mananaliksik ay nakabuo ng mga sumusunod na kongklusyon: Karamihan sa mga respondente ay babae at may edad 14-15 taong gulang. Ang istruktura ng pagkatutong tulong-tulong na malimit gamitin sa mabisang pagtuturo ng panitikan ay ang roundrobin. May progresibong pagbabago sa natamong marka ng mga magaaral sa asignaturang Filipino. Maaaring ang pagtaas ng marka ng mga mag-aaral ay nagpapakita ng pagdebelop ng antas ng kanilang pagkatuto. Walang makabuluhang kaugnayan ang “slight o negligible” na relasyon ang paggamit ng pagkatutong tulong-tulong sa pagtuturo ng panitikang pambansa sa akademikong performans ng mga piling magaaral sa baitang 8 sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Muntinlupa panuruang taon 2015-2016.
Ang Mga Talinghaga at Simbolismo Sa Mga Piling Tula Ni Amado V. Hernandez: Isang Pagsusuri
Nina:Karen Keith P. Pangilinan;Amie Rose N. Pacon; Janilla V. Desucatan;Monaipha L. Batua
Abstrak Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang bigyang pokus ang mga talinghaga at simbolismo sa mga piling tula ni Amado V. Hernandez. Isinagawa ang pananaliksik na ito upang bigyang buhay ang mga tula ni Amado V. Hernandez na siyang tumatalakay sa aktwal na pangyayari sa lipunan at mga isyu na hindi pwedeng ipagwalang bahala. Sakabilang dako ang talinghaga ay ang pinagkakadalubhasaan, pinag-aralang maigi at sinuri ng mga mananaliksik sa asignaturang Filipino at pinagyaman ang mga tulang naglalaman ng mga talinghaga at simbolismo sa piling tula ni Amado V. Hernandez. Sa pag-aaral na ito ay ginamit ng mananaliksik ang pagsusuring deskriptib. Sa pag-aaral na ito ay ginamit din ang pamamaraang Dokumentaryong Pagsusuri na tinatawag ding Pagsusuri ng nilalaman.Layuning din ng pag aaral na ito na matukoy ang mga Talinghaga at Simbolismo sa mga piling tula ni Amado V. Hernandez at maibigay ang diwa at pagpapakahulugan sa mga piling tula ng makata Sa pag-aaral na ito ay ginamit ng mananaliksik ang pagsusuring deskriptib.Ang mga piling tulani Amado V. Hernandez ay sinuri ng maigi ayon sa mga uri ng tayutay na napili at simbolismo.Ang mga dukomentaryong tula ni Amado V. Hernandez na aming nasuri ay base sa nilalaman nito at base sa aming pagpapakahulugan. Sa pamamagitan din ng pamamaraan na ito ay nakakalap ang mga mananaliksik ng mga impormasyon na susuporta at magpapatibay sa aming ginawang pananaliksik.Ang mga ginamit na batayan sa pananaliksik na ito ay ang mga piling tula ni Amado V. Hernandez na kabilang sa antolohiya ng mga tula na may pamagat na “Ang Panday” (1940), “Kung tuyo na ang Luha mo aking Bayan” (1930), “Makalawang Namatay” (1946), “Kumatok ka sa Dampa ko”, “Isang Sining ang Pagbigkas” (1938) at “Isang Dipang Langit” (1952).Ang instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito ay inisa-isa upang matugunan ang mga suliraning inilahad ng mga mananaliksik na naging patnubay sa pagsusuri ng mga tula. Gumamit ang makata ng iba’t ibang talinghaga sa mga piling tulang sinuri gaya ng: Pagtutulad,Pagwawangis, Pagsasatao, Pagmamalabis, Pag-uuyam, Pagpapalit-tawag at Pagpapalit-saklaw.Mabisa at masining na nagamit ang iba’t ibang talinghaga sa pagsulat ng mga piling tula ng makata upang mapalawak ang haraya ng mga mambabasa.Mayroong mga simbolismong ginamit ang makata sa pagsulat ng tula upang maipahayag ang mga nakapaloob na minsahe o diwa sa mga piling tula.Napalutang ng makata ang diwa sa mga piling tula sa paraang masusing paggamit at pagpili ng mga salik, paghahanap ng mga angkop na sagisag at paghahanay ng mga talinghagang gigising sa damdamin at magpapamulat sa isipan ng mga mambabasa.